13 January 2025
Calbayog City
National

6 sa bawat 10 pinoy, suportado ang imbestigasyon ng House Quad Committee sa war on drugs, POGO at EJK ng Duterte Administration

Kung pagbabatayan ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia, lumalabas na suportado ng anim sa bawat 10 Pilipino ang Quad Committee ng Kamara sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng kalakalan ng droga, illegal POGO, at extrajudicial killings noong panahon ni former President Rodrigo Duterte.

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng pulse asia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61% ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm.

Pinakamataas ng mga respondent ay nagmula sa National Capital Region na nasa 73% at Balance Luzon na 66%.

Nasa 6% lamang ng mga respondent ang nagsabing hindi sila pabor sa ginagawang imbestigasyon. 

Ang Quad Comm ay kinabibilangan nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers bilang lead chairman; Dan Fernandez ng Laguna, Joseph Stephen “Caraps” Paduano ng Abang Lingkod party-list, at Bienvenido Abante ng ika-6 na Distrito ng Maynila bilang mga co-chairman; at Romeo Acop ng ikalawang Distrito ng Antipolo bilang senior advisor.

Iginiit ng mga kongresista na ito ay nagpapakita ng kumpiyansa ng publiko sa kanilang tungkulin sa Quad Comm upang maungkat ang iba’t ibang ilegal na aktibidad na inuugnay sa administrasyong Duterte at upang mapanagot ang mga ito sakaling mapatunayang ‘guilty’ sa mga alegasyon.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.