15 January 2026
Calbayog City
Local

6 katao, nasagip matapos ma-trap sa ilalim ng tulay sa Leyte

NAILIGTAS ng emergency responders ang isang pamilya na may apat na miyembro at dalawang iba pa sa magkahiwalay na insidente sa Tunga, Leyte, kasunod ng tuloy-tuloy na ulan na nagdulot ng biglaang pagtaas ng tubig.

Ayon sa local fire station, nasagip ang isang mag-asawa at dalawa nilang anak na edad anim at walo, matapos ma-trap sa ilalim ng Naliwatan Bridge sa Barangay Vicente, habang naglalaba sa ilog.

Dalawang lalaki rin ang naligtas sa posibleng pagkalunod matapos umapaw ang tubig mula sa isa pang tulay Barangay Astorga.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).