TINIYAK ng PNP sa publiko na handang-handa silang magbigay ng seguridad, kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups ngayong martes
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na magde-deploy din ng karagdagang personnel sa key locations at engagement areas, batay sa koordinasyon sa national candidates.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rommel Marbil ang maximum police deployment, partikular sa election areas of concern.
As of Jan. 9, kabuuang 403 areas ang itinuring bilang election areas of concern, kabilang ang 188 na nasa ilalim ng yellow category; 177 na nasa orange category; at 38 na nasa red category.