TARGET ng Department of Finance (DOF) na makalikom ng 193.65 billion pesos mula sa Privatization ng Big-Ticket Government Assets.
Kabilang na rito ang Financial Center Area sa Pasay City at Food Terminal Inc. (FTI) Property sa Taguig City, pagsapit ng 2026.
ALSO READ:
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad
Nailatag na ng Privatization and Management Office (PMO) ang Pipeline ng labing isang Major Assets na nakatakdang i-privatize ngayong 2025 at sa susunod na taon.
Ibinida ni Finance Undersecretary Catherine Fong na mayroong solidong plano ang kanilang ahensya para sa Privatization, subalit inaasahan na aniya ang mga hamon sa pagpapatupad nito.
