3 July 2024
Calbayog City
Local

Dealer ng marijuana bumagsak sa mga operatiba sa Southern Leyte.

marijuana

Nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Maasin CPS kasama ang PDEA8 SLPO sa Brgy Nasaug, Maasin City, Southern Leyte bandang 1:50 ng hapon ng Oktubre 6, 2023.

Kinilala ang suspek na si Julius Cocosa  na nasa Watchlisted/ Balay Silangan Enrollee/HVT), lalaki, 28 y.o., binata, empleyado ng Glass and Aluminum Supply, residente ng Brgy Rizal, Maasin City.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat (4) na piraso na kahon ng posporo na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, tangkay, at mga buto na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 10 gramo na may tinatayang halaga na Php2,500.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Maasin CPS Lock-up Facility.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *