DESIDIDO ang boksingerong si Conor Benn na ipagpatuloy ang kanyang karera sa britanya, makaraang absweltuhin siya ng National Anti-Doping Panel (NADP) sa maling gawain kaugnay ng dalawang beses na pagbagsak sa drug tests noong 2022.
Ang bente kwatro anyos na british boxer ay dalawang beses nagpositibo sa fertility drug na “clomifene” na nagpapataas ng testosterone levels sa kalalakihan.
Dahil dito, kinansela ang laban ni Benn sa British Rival na si Chris Eubank Jr. sa O2 Arena sa London noong Oct. 8, 2022, at tinanggalan ito ng lisensya ng British Boxing Board of Control.
Gayunman, binaliktad ng NADP ang kanilang desisyon sa pagsasabing hindi sila kontento sa mga ebidensya ng uk anti-doping agency na nakagawa ng doping offense si Benn.