15 March 2025
Calbayog City
Local

Kaso ng leptospirosis sa Northern Samar, tumaas kasunod ng malawakang pagbaha sa lalawigan

TUMAAS ang kaso ng leptospirosis sa Northern Samar ilang linggo makaraang tamaan ng malawakang pagbaha ang lalawigan noong nakaraang buwan.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa walong kaso lamang simula noong Enero hanggang unang linggo ng Disyembre, umakyat sa dalawampu’t dalawang leptospirosis cases ang naitala sa ikalawang linggo ng buwan.

Sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Information Officer Jelyn Lopez-Malibago na dumami ang mga pasyenteng nakaranas ng sintomas at nagpakonsulta sa kanilang health facilities kasunod ng pagbaha sa Northern Samar.

Una nang naghanda ng mga antibiotics sa lalawigan upang mapigilan ang paglala ng sakit at nagpadala rin ng karagdagang mga gamot noong huling linggo ng Nobyembre bilang bahagi ng post-disaster response ng ahensya.

Maganda naman ang naging resulta, ayon kay Malibago, dahil walang nasawi bunsod ng leptospirosis sa Northern Samar.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Anti-Robot Verification
FriendlyCaptcha ⇗