TATLUMPU’T isang residente sa Barangay Parasan sa Daram, Samar ang nagkasakit makaraang kumain ng tahong na kontaminado ng red tide, ayon sa Department of Health.
Sa naturang bilang, dalawampu ang isinugod sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City habang labing isa ang ginamot sa Rural Health Unit.
Mga Calbayognon, pinayuhan ng City Health Office na mag-doble ingat laban sa Influenza-like Illnesses
Northern Samar Hospital, humingi ng pang-unawa sa gitna ng Overcrowding
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
Batay sa ulat, kumain ng tahong ang mga biktima, kabilang ang walong bata, na hinango mula sa coastal waters ng Zumarraga, Samar, sa isa sa mga katubigang positibo sa red tide.
Ayon kay DOH Eastern Visayas Regional Information Officer, Jelyn Lopez-Malibago, nakaranas ang mga pasyente ng mga sintomas, gaya ng pananakit ng ulo, pamamanhid ng katawan, pagkahilo, pagsusuka, at pananakit ng tiyan.
Hinikayat din ni Malibago ang publiko na makinig at tumalima sa mga advisory na inilalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang hindi mabiktima ng red tide.
Sa lalawigan ng Samar, ipinatupad ng BFAR ang shellfish ban sa coastal waters ng Daram Island at Zumarraga Island; Cambatutay Bay sa Tarangnan; Irong-Irong Bay sa Catbalogan; at Maqueda Bay sa Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan.