14 February 2026
Calbayog City
Entertainment

Arnel Pineda, humingi ng paumanhin sa hindi magandang performance sa concert sa Brazil

NAG-sorry ang Pinoy Lead Vocalist ng american band na “Journey” na si Arnel Pineda, bunsod ng hindi magandang performance nito sa Rock in Rio Music Festival sa Rio De Janeiro, sa Brazil.

Sa kanyang post sa facebook, pinasalamatan ni Arnel ang mga taong sumusuporta sa kanilang banda, kasabay ng pag-amin ng kanyang hindi magandang performance sa Brazil Concert.

Sa video, makikita na nahirapan ang pinoy singer na abutin ang mataas na tono ng kanilang hit song na “Don’t Stop Believin.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).