TATLONG Malaysians na nagpakilalang mga miyembro ng Kingdom Of Jesus Chirst (KOJC) ang hindi pinapasok ng bansa makaraang madiskubre ng Bureau of Immigration na may balak ang mga itong sumali sa rally laban sa pamahalaan.
Sa statement, inihayag ng BI na dumating ang tatlong dayuhan na pawang nasa mid-twenties ang edad, sa Ninoy Aquino International Airport noong Aug. 27.
ALSO READ:
Tulong ng Japan sa Philippine education, tiniyak sa DepEd
LTFRB, inabisuhan na ang mga tsuper na ipa-validate o papalitan ang kanilang Fuel Subsidy Cards
Paggawad ng special power kay PBBM para maibaba ang excise tax sa langis, aprub sa 1 senador
DOE, pinababantayan ang posibleng pananamantala sa presyo ng langis
Kasama sila ng grupo ng mga Pilipino na mga nagpakilala rin bilang mga miyembro ng KOJC.
Iniwan ng mga Pinoy ang tatlong Malaysians makaraang isailalim pa ang mga ito sa karagdagang immigration inspection. Paliwanag ng BI, hindi pinayagang pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhan dahil sa plano nilang paglahok sa kilos-protesta na labag sa Immigration Laws.
