NANINIWALA ang mas maraming Pilipino na makukulong ang mga nasa likod ng multi-billion pesos na flood control scandal, batay sa survey ng Pulse Asia.
Sa resulta ng Dec. 12 to 15, 2025 survey, 59% ng respondents ang naniniwalang maparurusahan ang mga may sala.
ALSO READ:
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
13% lamang ang nagsabing matatakasan ng mga nangurakot ang kanilang kasalanan habang 28% ang hindi sigurado.
Gayunman, mas mababa pa rin ang 59% noong Disyembre ng 12 points kumpara sa 71% ng respondents noong Setyembre na naniniwalang makukulong ang mga nagkasala.
