15 March 2025
Calbayog City
Overseas

56 patay sa heat wave sa India

LIMAMPU’T anim ang nasawi sa heat wave sa India habang halos dalawampu’t limanlibong kaso ng hinihinalang heat stroke ang naitala sa bansa simula Marso hanggang Mayo.

Partikular na itinuring ang Mayo bilang bad month, kung saan ang temperatura sa kabisera na New Delhi at kalapit na estado na Rajasthan ay pumalo sa 50 degrees celsius.

Kabaliktaran naman ito sa ilang bahagi ng Eastern India na sinalanta ng bagyo.

Simula noong nakaraang Martes ay pumatay na ng labing apat na katao ang malalakas na pag-ulan sa Northeastern State ng Assam.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *