Plano ng pamahalaan na umutang ng 310 billion pesos mula sa domestic market sa fourth quarter ng 2024, ayon sa Bureau of Treasury.
Sinabi ni National Treasurer Sharon Almanza na ang planong pangungutang ng gobyerno ay on track sa kanilang full-year borrowing target.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Batay sa datos ng Treasury, itinakda ang borrowing plan ngayong taon sa 2.57 trillion pesos, na kinabibilangan ng 1.92 trillion pesos mula sa local creditors at 64.08 billion pesos mula sa ibang bansa.
Para sa buwan lamang ng Oktubre, plano ng pamahalaan na mangutang ng 145 billion pesos.
