MATAPOS ang mahigit anim na buwan, inanunsyo ng Regional Inter-Agency Coordination Committee (RIACC) sa Eastern Visayas na huling Linggo na ng kanilang “Libreng Sakay” Program, dahil sa patuloy na pagbuti ng transport conditions sa San Juanico Bridge.
Ang Libreng Roll-On, Roll-Off (RORO) Trip Program ay sinimulan noong June 18, isang buwan matapos ipatupad ang Load Limit Restrictions sa naturang tulay.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Ang nasabing programa ay nagsilbing pansamantalang solusyon sa mobility challenges na dulot ng Transport Restrictions.
Ayon sa RIACC, pumasok na ang programa sa huling yugto, kung saan labinsiyam na biyahe na lamang ang nalalabi, at inaasahang magtatapos ito sa Nov. 30.
As of Nov. 24, nakapag-transport ang government-sponsored na 613 free RORO trips ng 9,364 cargo trucks, kabilang ang 676 fuel tankers mula sa Port of Tacloban patungong Amandayehan Port sa Basey, Samar.
