7 July 2025
Calbayog City
Metro

500 kabahayan, nilamon ng apoy sa Tondo, Maynila

SUMIKLAB ang malaking sunog sa isang residential area sa Barangay 123 sa Tondo, Maynila.

Sa laki ng sunog ay nasa isandaang truck ng bumbero ang rumesponde at umukopa sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard.

Ayon kay Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) Spokesperson Fire Senior Supt. Bonifacio Carta, limandaang kabahayan ang nilamon ng apoy habang isanlibo limandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Tumagal ng siyam na oras ang sunog bago tuluyang naapula.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog, pati na ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).