LIMA mula sa dalawampu’t pitong Filipino Seafarers ng MV Transworld Navigator na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea ang nakabalik na sa Pilipinas.
Ang unang batch ng Pinoy Seafarers mula sa Liberian-Flagged and Greek-Owned Cargo Ship ay ni-repatriate sa pamamagitan ng Emirates Flight na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kahapon.
ALSO READ:
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Ang mga umuwing Seafarers ay sinalubong ng mga Opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Inihayag ni DMW Assistant Secretary for Sea-Based OFW Concerns Jerome Pampolina na pabalik na rin ang mga naiwang tripulante na ang iba ay naka-schedule dumating bukas habang ang isang batch ay sa miyerkules ng hating gabi ang flight.
