LIMA ang patay sa malawakang pagbaha sa Bangsamoro region.
Sa datos mula sa Office of the Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (OCD-BARMM), tatlo ang nasawi sa Matanog, Maguindanao Del Norte habang dalawang iba pa sa Kapatagan, Lanao Del Sur.
Nakasaad din sa datos ng OCD-BARMM na labindalawa katao ang nasugatan na kinabibilangan ng walo mula sa Matanog at apat sa Balabagan, Lanao Del Sur.
Lima naman ang nawawala sa rehiyon na kinabibilangan ng dalawa sa Matanog, dalawa sa Balabagan, at isa sa Kapatagan.
Halos 72,500 families ang naapektuhan ng pagbaha mula sa tatlundaan tatlumpu’t anim na barangay sa rehiyon.