LIMA ang patay habang apat ang sugatan sa aksidente na kinasangkutan ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway sa bayan ng Lopez, Quezon.
Dead on the spot ang apat mula sa siyam na sakay ng tuktuk tricyle matapos salpukin ng isang delivery van at masunog, habang isa pang pasahero ang binawian ng buhay sa ospital.
ALSO READ:
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Sa inisyal na imbestigasyon ng Lopez Police, binabagtas ng tuktuk ang daan patungong Bicol nang mabangga ito ng kasunod na delivery van.
Sa lakas ng impact ay sumalpok ang tuktuk sa nasa unahan nitong pampasaherong bus, at kapwa nagliyab ang dalawang sasakyan.