PATAY ang limang miyembro ng isang pamilya matapos mabagsakan ng malaking puno ng buli ang kanilang bahay sa Pitogo, Quezon, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ramil.
Kabilang sa mga nasawi ang animnapu’t anim na taong gulang na lolo, isang mag-asawa na nasa Mid-30s ang edad, kanilang labing isang taong gulang na anak, at limang buwang gulang na sanggol.
ALSO READ:
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Tanging ang panganay na anak na lalaki ang nakaligtas, dahil malapit ito sa pintuan nang bumagsak ang puno.
Pinilit umano nito na hilahin ang mga miyembro ng kanilang pamilya subalit hindi niya kaya dahil malaki ang puno.
Humingi ng tulong ang batang lalaki sa mga kapitbahay subalit, binawian na ng buhay ang mga biktima nang dumating ang mga rescuer.
