LIMA katao ang nasawi sa winter storm na bumalot sa mga kalsada sa U-S, dahilan para magkaroon ng malawakang pagsasara ng mga paaralan, pahirapan sa pagbiyahe, at kawalan ng kuryente.
Pitong Estado sa Amerika ang nagdeklara ng emergencies na kinabibilangan ng Maryland, Virginia, West Virginia, Kansas, Missouri, Kentucky, at Arkansas.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Mahigit dalawanlibong flights ang kinansela, kabilang ang 6,500 delays dahil sa extreme weather na dulot ng polar vortex ng hanging may kasamang yelo na karaniwang umiikot sa North Pole.
Ayon sa mga meteorologist, patuloy na iiral ang cold arctic air na magdadala ng makapal na niyebe sa malaking bahagi ng U-S hanggang sa susunod pang mga linggo.
