PINAIGTING ng pulisya at militar ang seguridad sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Del Norte, makaraang limang residente ang nasawi, kabilang ang isang menor de edad, sa magkakahiwalay na pamamaril sa pagitan lamang ng anim na oras.
Batay sa ulat mula sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, unang nasawi ang disi sais anyos na biktima makaraang barilin ng nakaalitang security guard na kinilalang si Alrashid Untong.
Sitwasyon sa Tipo-Tipo, Basilan, kontralado na – AFP
Truck na nahulog sa ilog sa Mt. Province, pumatay ng 3; 2, pinaghahanap pa
Taal Volcano sa Batangas, ilang beses pumutok sa nagdaang Weekend; Alert Level 1, nananatili
15 estudyante sa Padada, Davao Del Sur, isinugod sa ospital dahil sa Fatigue at gutom
Napaslang din ng suspek ang isa pang residente na si Nasser Halid, na nagtangkang pigilan ito sa pagtakas.
Gayunman, pinaputukan ng mga armadong kaanak ni Halid si untong na ikinasawi rin nito.
Makalipas naman ang limang oras ay dalawa pang residente sa Barangay Poblacion, sa naturang bayan ang nasawi rin matapos magbarilan bunsod ng hindi pagkakaunawaan.
