Protektado ng pamunuan ng SAMELCO I ang kapakanan ng kanilang mga member-consumer-owner o MCO. Iyan ang sinabi Atty. Edson A. Piczon sa ginanap na 42nd Annual General Membership Assessment o AGMA at 4th State of the Electric Cooperative Address o SECA.
Aniya, 80 hanggang 85% ng kanilang koleksiyon ay ipinambabayad sa kanilang supplier ng kuryente at ang ibang kita ng electric cooperative ay napupunta sa mga bayarin sa gobyerno. Ipinaliwanag ni Piczon na noong tumaas ang singil sa line rental ng SAMELCO 1 ay agad nilang hiningi ang paliwanag ng mga power producers. Hiniling din nila sa Energy Regulatory Commission o ERC ang agarang pagrebyu sa pagmahal ng singil sa line rental.
Pangunahing obligasyon kasi aniya ng pamunuan ng SAMELCO 1 pati na ng mga miyembro ng Board of Directors na protektaran ang kapakanan ng mga MCO.