15 February 2025
Calbayog City
Entertainment

Robert Downey Jr, inanunsyo ang pagbabalik sa Marvel Movies

INANUNSYO ni Oscar-Winner Robert Downey Jr. ang kanyang pagbabalik sa Marvel Superhero Films sa ginanap na blockbuster Disney Presentation sa COMIC-CON.

Opisyal ding ipinakilala rin sina Harrison Ford at Pedro Pascal sa batch ng mga bagong makakasama sa movie franchise, na kumita ng unprecedented na 30 billion dollars sa box office, subalit sa mga nakalipas na taon ay dumanas ng ilang high-profile flops.

Isiniwalat ni Marvel Film President Kevin Feige ang mga bagong detalye tungkol sa multiple upcoming superhero movies sa harap ng fans sa naturang pagtitipon sa San Diego, California.

Umani ng malakas na reaksyon ang pagbabalik ni Downey Jr. aa ipinakilala sa buong Marvel Movie Universe bilang “Iron Man” simula noong 2008.

Gayunman, sa kanyang pagbabalik ay ibang karakter ang kanyang gagampanan sa katauhan ni Doctor Doom, na isang prominenteng kontrabida sa Marvel Comic books.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).