Simula bukas (Aug. 9) ng umaga masasaksihan ang rare planetary alignment kung saan makikitang magkakalinya ang buwan, Mercury, Venus, Jupiter, at Saturn.
Ayon sa PAGASA, kung magiging maganda ang panahon, bago sumikat ang araw ay makikita ang planetary parade sa silangang bahagi.
Kasama din sa linya ang Uranus at Neptune pero hindi ito kayang makita gamit lamang ang “naked eye” sa halip ay kailangang gumamit ng telescope o high-powered binoculars para makita din ang dalawa pang planeta.
Maaaring makita hanggang sa katapusan ng buwan ang celestial show, pero pinakamalinaw na makikita ang planetary parade bago ang sunrise sa August 20, 2025.




