PINATAY sa saksak ang Southeast Asian Gold Medalist na si Mervin Guarte, sa Calapan City sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Oriental Mindoro Provincial Police Office, natutulog ang trenta’y dos anyos na atleta sa bahay ng isang barangay kagawad nang pumasok ang salarin at saksakin ito sa dibdib, kahapon ng pasado alas kwatro ng madaling araw.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Nakatayo pa umano si Guarte at nakahingi ng saklolo, at naisugod pa sa ospital subalit binawian din ito ng buhay.
Si Guarte ay miyembro ng Philippine Air Force at itinalaga sa Lipa, Batangas.
Noong nakaraang taon ay nanalo ng gintong medalya si Guarte sa 32nd SEA Games sa Cambodia, at tumulong sa four-man team na masungkit ang titulo sa men’s team relay sa obstacle course racing.