13 March 2025
Calbayog City
Province

4K security personnel, ide-deploy para sa araw ng Dabaw parade

TINAYA sa apatnalibong security personnel ang ide-deploy para tiyakin ang seguridad ng publiko sa Parada Dabawenyo sa Linggo, March 16, na isang malaking event para sa pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw.

Sinabi ni Police Capt. Hazel Tuazon, Davao City Police Office Spokesperson, na ang malaking deployment ay bahagi ng mas malawak na security initiative na kinapapalooban ng 8,369 personnel para sa isang buwan na kapistahan.

Nanawagan din si Tuazon sa mga dabawenyos at sa mga turista na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maabot ang zero incident rate para sa naturang selebrasyon.

Kabilang anya sa security measures ay roving patrols, pinaigting na presensya ng mga pulis sa event venue, at mga nakakalat na medical teams mula sa City Health Office.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).