SA kabila ng mga panawagan na bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court, hindi pa ito natatalakay ng Malakanyang.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bukas naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin, pero kailangan itong pag-aralang mabuti.
Sa ngayon ay hindi pa prayoridad ang isyu.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
DFA, nagbabala sa paglalagay ng unauthorized stamps sa pasaporte
Kumalas ang bansa sa Rome Statute noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ireklamo sa korte ang umano’y extrajudicial killings sa ikinasa niyang war on drugs.
