IGINIIT ng Department of Health (DOH) na walang dahilan para magpatupad ng lockdowns o magsara ng borders ang bansa bunsod ng reports sa outbreak ng Human Metapneumovirus (HMPV) sa ilang bahagi ng China.
Una nang napaulat na tumaas ang kaso ng HMPV sa mga kabataan sa hilagang bahagi ng China nitong mga nakalipas na linggo habang dumami rin ang tinamaan ng rhinoviruses na pangunahing sanhi ng common colds.
Sinabi ni DOH Spokesperson, Assistant Secretary Albert Domingo na hindi naman itinatanggi ng China na tumaas ang kaso ng naturang sakit subalit kung ikukumpara noong 2023 ay nananatili pa rin itong mababa.
Ang HMPV ay isang seasonal infections kapag malamig ang panahon, na nakaaapekto sa upper and lower respiratory tract.
Kabilang sa mga sintomas nito ay ubo, lagnat at baradong ilong, na karaniwang dulot din ng iba pang viruses.