15 March 2025
Calbayog City
Local

Mga nasunugang pamilya sa Barangay Himalandrog, Calbayog City, tumanggap ng cash assistance mula sa mga lokal na opisyal

PINANGUNAHAN nina Samar First District Congressman Jimboy Tan, Calbayog City Mayor Monmon Uy, at Vice Mayor Rex Daguman ang pamamahagi ng cash assistance sa mga biktima ng sunog sa Barangay Himalandrog sa naturang lungsod

Nagbigay ang Provincial Government sa pamamagitan ni Governor Sharee Ann Tan, district office ni Cong. Tan, at LGU Calbayog sa pamamagitan ni Mayor Uy ng tig-sampunlibong piso o kabuuang  tatlumpung libong piso na ayuda sa bawat pamilya upang tulungan sila sa kanilang pagbangon.

Pinasalamatan ni Cong. Tan si Brig. Gen. Efren Morados ng 803rd Infantry Brigade sa mabilis na tugon sa kanilang tawag para mapuntahan ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente.

Ang ipinamahaging cash assistance ay nagbigay ng pag-asa sa mga biktima ng sunog sa Barangay Himalandrog.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *