Itatayo sa Tacloban City ang 48.22 million pesos na halaga ng bagong regional office building ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para i-accommodate ang tumataas na bilang ng mga kliyente.
Sinabi ni TESDA Eastern Visayas Assistant Regional Director Vivian Abueva, na ang bagong building ay itatayo sa kanilang office complex sa Barangay Abucay.
ALSO READ:
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Aniya, matatagpuan sa three-story building ang tatlong divisions ng TESDA Regional Office na may meeting areas at conference rooms.
Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa June 2025, kapalit ng tatlumpu’t anim na taon nang umiiral na regional office.
Sa kasalukuyan, ang TESDA Field Office sa Tacloban City ay mayroong limang major scholarship programs.
