AABOT sa 46 Million Pesos na halaga ng smuggled na segunda manong damit o kilala sa tawag na “ukay-ukay” ang kinumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bulacan.
Ayon kay CIDG Director, Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, limang suspects ang dinakip, kabilang ang dalawa na kinilala sa mga alyas shawn at liang, sa ikinasang operasyon sa iba’t ibang warehouses sa Meycauayan City.
Target ng “Oplan Megashopper” ang mga smuggled at fake goods.
Sinabi ni Torre na kabilang din sa mga nasamsam ang isang Isuzu truck, iba’t ibang business documents, mahigit 23,000 bundles ng iba’t ibang imported na segunda manong damit, passports, at identification cards.