7 February 2025
Calbayog City
Metro

Rally ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand, inaasahan ng MMDA na dadaluhan ng isang milyong katao

People flock to the main church of the Philippine Christian sect Iglesia ni Cristo where the body of its leader Erano Manalo lies, on September 3, 2009. Manalo, who wielded considerable influence in Philippine politics, passed away early this week due to cardiac arrest at the age of 84. AFP PHOTO / JAY DIRECTO (Photo by JAY DIRECTO / AFP)

INAASAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dadaluhan ng isang milyong katao ang rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, sa Maynila, ngayong lunes.

Sinabi ni MMDA Chairperson Don Artes na kabilang sa inaasahang attendees ay manggagaling sa iba’t ibang lalawigan.

Idinagdag ni Artes na inaasahan din ang pagsisikip ng trapiko sa lunes dahil ang mga dadalo ay ba-biyahe sa pamamagitan ng mga kotse, vans, at mga bus.

Inihayag naman ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro na nagtalaga sila ng ilang mga kalsada patungo sa Quirino Grandstand bilang parking areas para sa naturang event na maaring magresulta ng bottlenecks.

Layunin ng “National Rally for Peace” ng INC na ipakita ang suporta nila sa pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).