BINAWI ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang 45-day cap sa kanilang hospitalization benefit.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga pasyente.
Sinabi ni PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer, Dr. Edwin Mercado, na naiintindihan nila kung bakit ipinatupad dati ang 45-day benefit limit, subalit panahon na para baguhin ang kanilang payment mechanisms.
Idinagdag ni Mercado na hindi maaring hulaan kung hanggang kailan kakailangin ng isang pasyente ang tulong medikal, at maraming serbisyo ang kailangang tugunan nang higit pa sa apatnapu’t limang araw.