APATNAPUNG importers at licensed customs brokers ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa paglabag sa Customs Modernization Tariff Act (CMTA).
Bilang bahagi ng Anti-Smuggling Campaign, nagsampa ang Bureau of Customs (BOC) ng 14 criminal cases sa Department of Justice (DOJ) simula July 1, 2025 hanggang Feb. 16, 2026, sa unang pitong buwan ng panunungkulan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
Sa statement, sinabi ng BOC na ang mga kaso ay kinapapalooban ng unlawful importation activities, kabilang ang technical smuggling, misdeclaration, at undervaluation of goods, para maiwasan ang pagbabayad ng tamang duties at taxes.
Bukod dito ay na-secure din ng Customs ang apat na criminal convictions mula sa smuggling cases bago na-appoint si Nepomuceno noong June 30, 2025.




