15 March 2025
Calbayog City
Province

4 na taong gulang na batang lalaki, nahulog mula sa ika-27 na palapag ng condominium sa Cebu City

PATAY ang apat na taong gulang na lalaki makaraang mahulog mula sa ika-dalawampu’t pitong palapag ng isang high-rise condominium sa Cebu City.

Ayon sa Mabolo Police Station, bumagsak ang biktima sa canopy ng building na matatagpuan sa third floor ng high-rise condo.

Sinabi ng mga otoridad na agad isinugod ang bata sa kalapit na ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at ang property management, upang matukoy kung paano nahulog ang paslit mula sa unit.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *