APAT na executives mula sa Office of the Vice President (OVP) na unang sinubpoena ang na-cite in contempt matapos paulit-ulit na isnabin ang pagdinig ng Kamara kaugnay ng gastos sa kanilang tanggapan.
Cinite in contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability dahil sa pagbibigay ng hindi katanggap-tanggap na mga dahilan sa hindi pagdalo sa pagdinig sina Lemuel Ortonio, OVP Bids and Awards Committee Chairperson; Gina Acosta, Special Disbursing Officer; Sunshine Fajarda, dating Education Assistant Secretary; at mister nito na si Edward Fajarda.
Binigyang diin ni Quezon Rep. Jay-Jay Suarez na mga public officials ang mga naturang indibidwal at trabaho ng mga ito na dumalo at ipaliwanag kung paano nila ginastos ang kanilang pondo.
Batay sa record ng Kamara, walong beses na tinangkang isilbi ang subpoenas sa mga naturang personalidad.