5 July 2024
Calbayog City
Provincial

4 na Cordillera Activists, kinuwestiyon sa korte ang pagbansag sa kanila bilang mga terorista

cordillera

Naghain ng petisyon ang apat na miyembro ng Cordillera People’s Alliance (CPA) sa Baguio City Court upang kuwestiyunin ang pagbansag sa kanila bilang mga terorista, pati na ang ligalidad ng Anti-Terrorism Act.

June 2023 nang bansagang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang mga katutubong sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Stephen Tauli, at “frineeze” ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang assets.

Una nang hiniling ng petitioners sa ATC na alisin ang kanilang mga pangalan mula sa listahan sa pamamagitan ng proseso na tinatawag na delisting, subalit ibinasura ng konseho ang kanilang request.

Tinukoy ang ATC at AMLC bilang mga respondent sa inihaing petisyon sa korte.

Iginiit ng petitioners na simula nang maitatag ang CPA ay hindi ito nagsilbing legal front ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) o alinmang local o international terrorist organization.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *