15 March 2025
Calbayog City
Local

4 na bagong sasakyan, tinanggap ng Calbayog City Police mula sa lokal na pamahalaan

PORMAL na tinanggap ng Calbayog City Police ang dalawang Toyota Hilux at dalawang Toyota Wigo mula sa city government, kasunod ng blessing at turnover ceremony na isinagawa sa Calbayog City Police Headquarters sa Barangay Bagacay.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, na sa mahigit isang taon niyang panunungkulan bilang Alkalde ng lungsod ay malayo na ang kanilang narating pero malayo pa ang kailangang puntahan.

Hiniling din ni Mayor Mon kay PNP-8 Regional Director, Police Brig. Gen. Reynaldo Pawid na magdagdag ng Police Personnel sa Calbayog City.

Sa bahagi naman ni Pawid, inihayag nito na sa pamamagitan ng karagdagang mga sasakyan ay mapaiigting pa ng Calbayog Police ang crime prevention, crime solution, at public safety operation.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *