Apat ang patay, kabilang ang may-ari nang masunog ang pabrika ng mga paputok sa Barangay Bagbag, sa Lapu-lapu City, sa Cebu.
Kinilala ang mga biktima na sina Sixto Berdin, may ari ng pabrika; anak niya na si Gwendolyn Lucero; Argie Escobia; at Kristian Monsanto.
Ayon sa fire investigators, mayroon ding anim na indibidwal na nagtamo ng fire burns, kabilang ang isang anim na taong gulang na bata.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog habang inihayag ni Lapu-lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan na magsasagawa ang pamahalaang lokal ng inspeksyon sa mga pabrika ng mga paputok upang matiyak kung tumatalima sila sa safety regulations.