APAT ang patay makaraang silaban ng mga nagpo-protesta ang isang tren sa Bangladesh, sa gitna ng countrywide strike na ipinatawag ng oposisyon.
Bunsod nito, umakyat na sa anim ang nasawi simula noong Oct. 28 nang mag-umpisa ang anti-government protests kung saan dose-dosenang mga bus at sasakyan ang sinunog ng mga nagra-rally.
Ayon sa isang Fire Service Official, tatlong compartments ng express train ang sinunog ng strike supporters kung saan narekober ang bangkay ng apat na biktima.
Hindi pa tukoy ang eksaktong bilang ng mga nakasakay sa tren na patungong Dhaka mula sa Northern District ng Netrokana.