6 August 2025
Calbayog City
Entertainment

South Korean Actor Song Young Kyu, pumanaw sa edad na 55

PUMANAW na ang South Korean actor na si Song Young Kyu, na nakilala sa pelikulang “Extreme Job,” sa edad na limampu’t lima.

Sa ulat ng Yonhap News Agency, natagpuang walang buhay si Song ng isang kakilala, sa loob ng isang sasakyan, sa isang residential building sa Yongin

Ayon sa South Korean Police, walang mga senyales ng foul play at wala ring nadiskubreng note sa sasakyan.

Ayon sa Soompi, noong Hunyo ay nahuli ng mga awtoridad ang aktor na nagmamaneho ng lasing.

Kasunod nito ay inalis na siya mula sa kanyang roles sa TV shows na “The Defects” at “The Winning Try,” pati na sa play na “Shakespeare In Love.”

Si Song ay isinilang noong 1970, at nakilala sa Hit Action-Comedy Film na “Extreme Job,” Netflix series na “Narco-Saints,” “Big Bet,” at “The Recon,” at iba pa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).