15 March 2025
Calbayog City
Local

DOH, itinurnover ang sea ambulance sa Island Villages ng Guiuan, Eastern Samar

PINASALAMATAN ng mga residente mula sa Island Villages ng Guiuan, Eatern Samar ang Department Of Health sa natanggap nilang sea ambulance na kanilang maaasahan sa panahon ng medical emergencies.

Ipinaabot ni Romulo Francillo, Chairman ng Barangay Cagusuan, na siyang kumatawan sa mga opisyal mula sa walong barangay sa Homonhon Island at Island Village ng Suluan, ang pasasalamat sa katuparan ng pinakahihintay nilang proyekto.

Ang Suluan at Homonhon Islands sa kahabaan ng dagat pasipiko na mayroong malaking ambag sa kasaysayan, ay maaring marating sa pamamagitan ng dalawang oras na biyahe sa bangka kapag maganda ang panahon.

Ang turnover ng 4.6 million pesos na halaga ng sea ambulance ay pinangunahan nina DOH Eastern Visayas Regional Director Exuperia Sabalberino, Guiuan Mayor Annaliza Kwan, 4PS Party-List Rep. At Minority Floor Leader  Marcelino Libanan, at Vice Governor Maricar Sison-Goteesan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *