23 October 2025
Calbayog City
National

3 pang hindi nag-o-operate na Super Health Centers, nadiskubre ng DOH

TATLONG pang Super Health Centers (SHCs) ang natuklasang Non-Operational, sa kabila ng ideklara ang mga ito bilang Completed o nasa iba’t ibang Phase na ng Completion.

Pagkatapos ng Meeting sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na mula sa nauna niyang inanunsyo na 297 ay 300 na ang mga nakatenggang Super Health Centers sa buong bansa.

Inihayag ni Herbosa na mula sa 878 SHCs na pinondohan ng Health Facility Enhancement Program simula 2021 hanggang 2025, kabuuang 513 ang idineklarang kumpleto na habang 365 ang isinasailalim pa sa konstruksyon.

Mula naman sa 513 Completed Facilities, 196 ang Operational, 17 ang Partially Operational, at 300 ang Non-Operational.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.