15 March 2025
Calbayog City
Province

Senior Citizen na nagpanggap na abogado, timbog sa Naic, Cavite

ARESTADO ang isang senior citizen sa Naic, Cavite, matapos magpanggap na abogado at nag-aalok ng notary services.

Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa Cavite ang animnapu’t anim na taong gulang na suspek, sa mismong opisina nito.

Dumating din sa tanggapan ng suspek ang totoong abogado na ginamit niya ang pangalan at ginamit din niya ang  notarial commission nito.

Nakumpiska ng NBI ang dry seals at stamps na may pangalan ng tatlong magkakaibang abogado, at lahat ng ito ay ipinakilala ng suspek bilang kanyang affiliates.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *