UMAASA ang ASEAN-Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Philippines na magdadala ng malaking oportunidad ang pag-host ng bansa sa ASEAN Summit sa susunod na taon.
Ito ay para ipakita sa rehiyon na patuloy na nilalabanan ng Pilipinas ang korapsyon sa gitna ng kontrobersiya sa Flood Control Projects.
Inamin ni ASEAN-BAC Philippines Chairperson Joey Concepcion na marami nang mga tanong mula sa Foreign Investors tungkol sa isyu ng Flood Control.
Binigyang diin ni Concepcion na para makahikayat ng mga mamumuhunan, dapat mapatunayan na hindi Corrupt ang Pilipinas.
Positibo ang Filipino businessman na magdadala ng panibagong kumpiyansa ang pag-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit, at magsisilbing daan ito para sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa paglikha ng mga reporma.




