TINIYAK ng PNP na palalakasin ang presensya ng mga pulis sa mga istasyon ng tren, makaraang lumabas sa datos na mayroong walumpu’t tatlong krimen na naitala sa Metro Manila trains sa pagitan ng 2023 at 2024.
Sa datos ng PNP, mula sa 83 crimes na nangyari sa MRT3, LRT1, at LRT2 simula 2023 hanggang ngayong 2024, apatnapu’t apat ang naitalang insidente ng pagnanakaw, walo ang sexually related, anim ang iniuugnay sa fake bomb threats habang pito ang sangkot sa iligal na pagbibitbit ng baril.
ALSO READ:
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa labing walong marshals ang idineploy habang naglagay din ng police desks sa apatnapu’t limang train stations sa Metro Manila.
