NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Korean nationals bunsod ng umano’y robbery, coercion, at grave threat, sa Paranaque City.
Kinilala lamang ang suspek sa kanilang mga alyas na Geon at Park, kapwa bente otso anyos.
ALSO READ:
Diocese sa Metro Manila, kalapit na lalawigan pinaghahandaan ang “Big One”
Construction worker, patay; 3 iba pa, nasugatan sa pagbagsak ng Elevator Core Wall sa BGC sa Taguig
Mall Hours na 11 A.M. To 11 P.M., ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 17
PHLPOST at DPWH, lumagda ng kasunduan para sa Restoration ng nasunog na Manila Central Post Office
Ayon sa biktima na si alyas Changyeon, trenta’y singko anyos, pinagnakawan siya ng mga suspek ng 140,000 pesos at isang cellphone.
Sinabi ni Changyeon na pinatuloy niya pansamantala sa kanyang condominium sa Barangay Tambo si Geon dahil wala itong trabaho at bahay.
Gayunman, pinapasok ni Geon ang kasabwat na si Park sa condo, saka sinaktan at pinagnakawan ang biktima.