ISINARA ang Eiffel Tower, isa sa premyadong tourist attractions sa buong mundo, makaraang magwelga ang mga manggagawa, ayon sa operator ng tower.
Ang strike ay itinaon sa ika-isandaang anibersaryo ng kamatayan ni Engineer Gustave Eiffel, na siyang nagtayo ng tower.
Pinapalagan ng mga empleyado ang paraan ng pagpapatakbo ng management na anila ay patungong pagkalugi.
Ang Eiffel Tower na pinakasikat na landmark sa Paris ay binibisita ng halos pitong milyong katao kada taon na karamihan ay mga banyaga, ayon sa kanilang website.