DALAWA ang patay habang dalawampu’t anim na iba pa ang nasugatan sa pagsabog na ikinawasak ng four-story building sa China.
Nangyari ang gas explosion sa ground-floor restaurant sa isang residential area ng Sanhe City, sa Hebei Province.
Agad natukoy ng mga otoridad na gas leak ang sanhi ang naturang pagsabog, bagaman hindi pa tukoy ang eksaktong dahilan o lokasyon ng pagsabog.
Bukod sa apat na palapag na gusali, mayroon pang tatlong buildings na malubhang napinsla, kabilang ang isa na nasa Skeletal State.