30 January 2026
Calbayog City
Local

BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas

NAGSASAGAWA ng assessment ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Eastern Visayas kaugnay ng Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing (IUUF) sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon para palakasin ang pamamahala sa pangisdaan.

Ang assessment sa major fishing grounds sa rehiyon ay isinagawa sa pamamagitan ng IUU Fishing Index and Threat Assessment Tool (IFIT), na dinivelop ng United States Agency for International Development.

Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Regional Information Officer Christine Gresola na ongoing ang assessment sa Biliran Island.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).